Online Journal 1: Repleksyon sa Tula ni Jess Santiago
Nung sinimulan ko yung tula na to, una kong napansin yung mga malalalim na salita, sa totoo lang natakot ako nung una ko tong nakita kasi naisip ko “Paano ko to babasahin?”. Paumanhin kung nagkasala ako sa ibang parte dahil hindi ganoon kagaling yung aking pagkakaunawa sa wikang FIlipino.
Ang tula na ito ay nagpapakita ng opinyon ni Jess Santiago tungkol sa industriya ng mga makata. Sinasabi niya sa tula na ang isang tula ay kinakailangan na maging makahulugan, kinakailangan na mayroong laman at sustansiya. Kung ang isang tula ay walang kahulugan, pinilit lamang gawin, mas mabuti nalang na huwag nalang magsulat. Ang tula ay dapat nagpapakita ng damdamin at naghihikayat ng damdamin mula sa mambabasa. Kung hindi to kaya gawin ng isang makata, mas mabuti nalang na kumain siya ng gulay galing kung saan, at mas masustansiya pa ito kaysa sa tula na walang kahulugan.
May iba’t ibang detalye na pinakita si Jess Santiago sa kaniyang tula. Halimbawa ang kaniyang pagkukumpara niya ng mga gulay sa tula. Sa mga linyang “nanaisin ko pang ako’y bigyan ng isang taling kangkong dili kaya’y isang bungkos ng mga talbos ng kamote na pinupol sa kung alin pusalian o inumit sa bilao”, maaring sabihin na ito ay isang metapora, parehong walang sustansiya at lasa ang gulay na pinabayaan lamang pati ang tula na walang mensahe. Ngunit sinabi ni Santiago na mas gugustuhin niya piliin ang gulay, maari na ito ay dahil baka makabusog pa ito kumpara sa tula na walang laman.
Sa linyang “Malaon nang pinamanhid ng dalita nag panlasa”, maaring nagpapakita ng pagkabigo si Santiago sa mga tula na walang isip at damdamin na makikita. Pero may isa pang posibleng dahilan dito.
Ang tulang ito ay maaring ginawa sa panahon ng Martial Law, at may posibilidad na tinutukoy niya ang kalagayan ng mga manunulat at makata noong panahon na ito.
Dahil dito, may tungkulin ang mga makata na gumawa ng makabuluhan na tula na naglalaman ng damdamin at nakaka hikayat ng damdamin mula sa mambabasa, kung hindi ito kakayaning gawin ng makata, mas mabuti na lamang na hindi nalang siya gumawa ng tula.