Online Journal 2: “Animalia ni Wilfredo Pascual”

Marius Aethan Alana
3 min readApr 25, 2021

--

Ang mga memories natin sa nakaraan ang nagpapaalala sa mga importanteng kaganapan, lugar, at karanasan. Ito rin ang nagpapatibay kung ano tayo. Bagamat ang humans (tao) ay mas komplikado, ipinapakita ng Animalia na maski tayo ang pinakamataas na species, tayo ay konektado sa mga nonhumans. Ang tao ay ang pinakamatalino at emosyonal na species kung kaya’t naalala pa ni Pascual noong gabing sila ay bisitahin ng mga paniki sa kanilang lumang bahay sa probinsya.

Ang tao at mga hayop ay magkasamang nakatira sa iisang mundo. Mayroon tayong relasyon sa bawat hayop kung kaya’t napapaisip ako kung paano napapanatili ng dalawang magkaibang species na magkasundo.

Nais ni Pascual na magbigay linaw kung ano itong relasyon na ito sa pagitan ng mga “humans” and “nonhumans”, paano tayo nakikipag interact at nakikipag communicate bagamat napakalawak ng ating pagkakaiba. Ganito rin ang nais sagutin ni Franz Kafka nang isulat niya ang “Metamorphosis”. Gaya ni Pascual, ang humans at nonhumans daw, bagamat napakalaki ng pagkakaiba, sila ay mayroong magkaparehong o common na katangian.

Ang pagkakaiba natin ay di limitado sa itsura at anyo lamang. Pinakita ni Pascual na mayroon tayong sariling pamamaraan ng pakikipag-usap. Ito ay sa kadahilanan ng pagkakaroon ng tinatawag na harang sa communication (barrier). Halimbawa dito ay ang “vibrations made by a herd of elephants” o kaya ang napakamababang boses nito. Nararamdaman natin sa pamamagitan ng parang tambol sa ating dibdib. Ang mga paniki ay nakakapagnahap ng kanilang biktima (prey) sa pamamagitan ng ecolocation.

Pinakita rin dito naang mga tao at hayop ay may sariling mundo na di dapat daanan ng bawat isa. Mayroon tayong likas na galit sa mga nonhumans. Di ba sa tingin natin lahat ng ahas ay makamandag. Sinabi ni Pascual na ang bawat isa ay may boundary or hangganan na di pwedeng lagtawan (traverse). Hindi natin naiiintindihan ang sakop sa labas ng ating boundary.

May nabanggit na pagtangka ng humans upang ma traverse itong boundary na ito. Nang pinakain siya ng “gelatinous frog’s egg”, di sya nagdalawang isip at ito’y kanyang isinubo. Kailangan siguro nating maging nonhuman upang malaktawan itong boundary na ito.

Nagkaroon ako ng kaunting pag-aalinlangan sa essay na ito dahil sa kanyang kaayusan. Para bang isa itong permutasyon ng iisang bagay lamang. Matapos ang isang karanasan sa kanyang buhay, sumunod ulit ito ng isa pang “life changing experience”. Di ako sanay magbasa ng halohalong karanasan, lalo’t ito ay tungkol sa mga hayop, ngunit habang binabasa ko ang bawat akda, nagugunita ko ang pagiging sentimental ni Pascual na nagbigay epekto na tinawag niyang “storm surge of feelings” nang nagkatitigan sila ni JB.

Nakita ko kung paano ipinahiwatig ang ibat-ibang emosyon ni Pascual. Ginamit niya ang kanyang alaala ukol sa mga hayop upang muling kumonekta sa nakaraan. Parang pagtingin sa mga lumang litrato upang maalala ang nakaraan. May napansin akong pagnanasa sa mga anecdotes lalo na sa kanyang ama at siguro panghihinayang din.

Habang binabasa ko ang Animalia, nagkaroon ako ng pagnanasa na magbasa pa lalo ng mga karanasan ni Pascual. Tila ba gusto kong malaman kung gaano kainit ang isang bagay para lamang maexperience ang mapaso.

Siguro, sa aking sarili, masyado akong mapagmahal at emosyonal din sa hayop. Di pa rin mawawala ang sakit na aking naramdaman ng pumanaw ang aking alagang aso na si “Bart”.

--

--

Marius Aethan Alana
Marius Aethan Alana

Written by Marius Aethan Alana

detaching ever so slowly from reality

No responses yet