Online Journal 2: Pagsusuri sa Tula ni Carlos Piocos
Tulad ng nakaraan na Online Journal ito ay ang magiging analysis ko sa tula na “Mga Pangkaraniwang Lungkot”.
Ang Corpus ay isang koleksyon ng mga tula mula kay Carlos Piocos, mula dito ang isang tula na nag ngangalan na “Mga Pangkaraniwang Lungkot”. Ang tula na eto ay maaring nag kukuwento tungkol sa huling liham ng isang beterano patungo sa isa niyang kapamilya, o kaya ay ang kaniyang kasintahan na may layunin na kamustahin at pagsabihan ang mambabasa tungkol sa mga dinanas niya bilang isang beterano.
Tulad nga ng sinabi ko kanina, ang persona ng tula neto ay isang beterano na mayroong PTSD. Saan kaya nagmula ang PTSD niya? Maari nating makita sa mga linyang “Nais kong banggitin na ang aking mga kasama’y naglaho nang lahat, nilamon ng hamog at usok. Na binubura ng takot, gutom at tutok ng baril ang buong lungsod. Na naulol ang historyador sa pagbibilang ng mga lumulutang na katawan.” Na dito niya nawala ang mga kaniyang kasama sa digmaan. Lumalala ang kaniyang sakit sa utak habang tumatagal ang panahon, nagkakaroon ng paglinlang habang lumalala.
Sa linyang “Kahit na sa kalaliman ng gabi, gabi-gabi, ay dinadalaw ako ng matinding sikat ng liwanag at isang mabangis na anghel sa tatlong pangalan: Labis-Labis na Alindog, Labis-Labis na Pusok, Labis-Labis na Libog.” Maari na isang pagpapahayag ito ng mga taboo na ginawa ng beterano. Sa linyang “Nililimas niya ang laht ng kanyang mahawakan, mula sa aking antok, pawis, panis na laway, tsinelas at saplot, maging ang aking alaala at bungang-tulog ay sapilitan niyang kinukumpiska’t isinasalin sa wikang tanging mga kuliglig lamang at gagamba ang nakakapangusap” masasabi din natin na dahil sa pagpapahayag neto, wala siya sa tamang isip, at inaako ng pahpapahayag at sakit sa utak ang kaniyang pag iisip. Ngunit, ginawa parin ng beterano ang liham na to para sa tao na pinakamahal niya. Nakalahad sa liham na ito ang paghihirap na dinanas niya bilang isang beterano. Maari na siya ay nagpakamatay pagkatapos ito sulatin o kaya nakipag digmaan muli, alam na ayon ang magiging huling araw niya.