Online Journal 3: Pagsusuri sa Tula ni Amado V. Hernandez
Sa online journal na ito, tutukuyin natin kung ano ang poetic line pati ang rhythm na ginamit ni Amado V. Hernandez sa kaniyang tula. Gumamit si Hernandez ng iba’t ibang bantas sa dulo ng mga taludtod. Mapapansin din natin ang poetic line ay pinutol niya sa pamamagitan ng “end-stopped” na paraan. Maraming halimbawa na ginamitan niya ito ng comma, colon, semi-colon, dash, period, question mark, exclamation mark, o kaya elipsis.
Masasabi natin na mayroong monorhyme ang tula kada taludtod, kung saan lahat ng taludtod ay nagtatapos sa iisang tugma gaya ng sumusunod na 6 na saknong: iluha, kawawa, bandila, wika, laya, at maynila.
Ang bawat taludtod ay mayroon ding sukat na 16. Kadalasan ang mga tula ay mayroong sukat na 8, 12, 14, at 16.
Ang personang tinutukoy ay ang makata. Hinihimok nito ang bayan na lumuha sapagkat labis na ang ginagawang pagmaniubrang ginawa ng mga Amerikano sa pagsisikap nitong makapagtatag ng kolonya sa malayong silangan. Apat sa limang saknong ay nag uutos na lumuha bilang expression ng dalamhati. Sa lahat ng kabiguan na dinadanas ng bayan sa mga mapang-aping dayuhan, wala na bang ibang magagawa pa ito kung di lumuha.
Gustong igiit at imulat ni Hernandez ang mata ng bayan sa karumaldumal nitong kondisyon. Parang lumalabas na hindi ito utos kundi panggigiit ng persona sa realidad nitong buhay. Lohikal na ang isang taong inaapi o minamaltrato ay sadyang umiyak.
Ipinapahihiwatig ni Hernandez na ang pagluha ay isang ekspresyon ng dalamhati. Bakit nga ba inuudyok ng persona na lumuha. Wala ba tayong kakayahan na lumaban sa mga ito. Ayon sa kanya wala nang ibang magagawa pa dito kung di lumuha. Ayon din sa kanya, dapat lumuha ang bayan upang magkaroon ng kamalayan. Karamihan sa atin ay nagwawwalang bahala na lamang, inaapi na nga, luluha ka lang. Hindi ito lohical na reaksyon kung tayo ay minamaltrato o ginagawaan ng masama. Sa pangalawa at pangatlong saknong, sinasabi na mag walang bahala nalang ang bayan habang ang mga dayuhan ang nagpapasasa sa sarap at pagdiriwang. Ikinukumpara ang bayan sa karakter na si Sisa na pinagsamantalahan dahil sa kahirapan. Walang lakas na lumaban at pinili na lamang na mamatay kaysa madungisan ang kanyang danagal. Dito rin inilarawan ng persona ang malalim na sitwasyong nararanasan ng pangkaraniwang mamamayan. Masasabing parang sinasalamin ng tulang ito ang pang-aabuso ng bansang Tsina sa kaniyang kapwa tulad ng Pilipinas. Sa panghuling saknong makikita ang tunay na layunin ng persona. Mauubos din ang iyong luha. Dito na nag uudyok ang apoy na dadalaoy sa kamay ng Bayan. Ang tubig (luha) na humuhugas sa lahat ng dalamhati ay dapat mapalitan ng apoy upang matupok ang lahat ng sanhi ng pagdadalamhati. May pahiwatig dito na ang taong bayang ay dapat nang mag aklas at labanan ang mga manunupil na dayuhan.